Hillary Clinton, panalo sa South Carolina Democratic primaries

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 4098
Hillary Clinton(REUTERS)
Hillary Clinton(REUTERS)

Madaling nakuha ni former Secretary of State Hillary Clinton ang panalo sa South Carolina Democratic primaries kagabi nang magkamit ito ang 72% ng boto kontra kay Sen. Bernie Sanders.

Gaya ng inaasahan majority ng African-American voters sa South Carolina ay sumoporta kay Clinton.

64% ng South Carolina electorate ay African-Americans.

Ayon kay Clinton, mula ngayong araw ay magiging national na ang kampanya nito, senyales na inaasahang siya na ang magiging kandidato ng Democratic Party para sa general elections sa Nobyembre.

Matatandaang bago ang South Carolina, nanalo din si Clinton sa Nevada at Iowa primaries habang nanalo naman si Sanders sa New Hampshire primary.

Samantala, patuloy na nangunguna si Donald Trump para sa Republican Party na nanalo sa New Hampshire, South Carolina at Nevada.

Sa March 1, gaganapin ang primaries ng labing dalawang estado sa America para sa mga partido o ang tinatawag na Super Tuesday.

Dito inaasahang malaman na mula kung sino ang magiging standard bearer ng dalawang partido para sa November presedential elections.

(James Bontuyan / UNTV Correspondent)

Tags: ,