Pangulong Aquino, pangungunahan ang programa sa paglilipat kay dating Pangulong Elpidio Quirino sa libingan ng mga bayani

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 2060

BENEDICT_QUIRINO
Kasabay ng ika anim napung taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Pangulong Elpidio Quirino ngayong araw, ililipat ang kanyang labi sa libingan ng mga bayani mula sa South Cemetery sa Makati.

Kagabi nagkaroon ng public viewing sa Our Lords Chapel sa San Juan sa labi ni Pangulong Quirino.

Alas nueve naman ngayong umaga magkakaroon ng send off honor sa Manila South Cemetery sa labi ni President Quirino na pangungunahan ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

Mula Manila South Cemetery, may motorcade din na isasagawa, dadaan ang parada sa Ayala Avenue, Mc Kinley, 5th Ave, Lawton, Bayani Road at hanggang sa libingan ng mga bayani.

Ikinatuwa naman ng isa sa mga pamangkin ni Pangulong Quirino at presidente ng Elpidio Quirino Foundation ang paglilipat sa libingan ng mga bayani sa labi ng dating pangulo ng bansa.

Sasalubungin naman ni Pangulong Benigno Aquino III ang motorcade sa libingan ng mga bayani.

Isang arrival honor ang igagawad sa dating presidente, funeral march, 21 gun shot salute at iba pang serimonya na ibinibigay sa taong itinuturing na bayani.

Nais ng mga kaanak ng dating pangulo na makilala at maalala siya na isang pangulong nagbigay ng pagasa sa bansa habang siya ay nanunungkulan.

At dahil nalalapit na ang eleksyon nagpaalala din sila sa mga bontante na pumili ng pangulong hindi uunahin ang kanyang sarili kundi ang kapakanan ng mga Pilipino.

Dapat ding hanapin ng mga boboto ang mga karakter ni Pangulong Quirino nang siya ang ama ng bansa.

1948 hanggang 1953 nagsilbi si Elpidio Quirino bilang pinakamataas na opisyal ng bansa, at Pebrero ng 1956 namatay si Presidente Quirino dahil sa atake sa puso.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,