Pinamamadali na ng Malakanyang sa mga otoridad ang pagresolba sa pamamaslang sa volunteer reporter ng DXWO Power 99 FM sa Zamboanga del Sur na si Elvis Ordaniza.
Nananawagan si Presidential Communications Development and Strategic Planning Undersecretary Manuel Quezon the third sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad at sabihin ang kanilang nalalaman hinggil sa kaso.
Una nang kinondena ni United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO Director General Irina Bokova ang pamamaslang sa mamahayag at sinabing dapat na gawin ng mga otoridad ang lahat ng paraan upang mapanagot ang mga salarin
Pinagbabaril sa kayang tahanan sa Pitogo, Zamboanga del Sur si Ordaniza noong February 16 na hinihinalang may kinalaman sa pagtuligsa nito sa paglaganap ng illegal na droga at sugal sa kanilang lugar.
(UNTV NEWS)
Tags: Elvis Ordaniza, Presidential Communications Development and Strategic Planning Undersecretary Manuel Quezon the third, Scientific and Cultural Organization o UNESCO Director General Irina Bokova, United Nations Educational, volunteer reporter