Tiniyak ng Malakanyang na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga kababayan natin na apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at mga armadong grupo sa Lanao del Norte.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos na humingi na nang tulong ang Provincial Social Welfare Development Office ng Lanao del Sur sa national government dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga residenteng apektado ng kaguluhan.
Sa tala ng Provincial Social Welfare Development Office kulang limang libong pamilya na ang nasa mga evacuation center sa mga kalapit na munisipalidad samantalang ang iba ay nasa Marawi City.
Hanggang ngayon, nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga militar laban sa armadong grupong nangingikil sa lugar at pinaniniwalang nanganganlong ng mga banyagang Jihadists.
(UNTV NEWS)
Tags: Department of Social Welfare and Development, Lanao del Norte
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com