Senado sisimulan ngayong araw ang Senate Inquiry kaugnay sa OFW blood money

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 5637
File Photo: UNTV News
File Photo: UNTV News

Sisiyasatin ng Senado ngayong araw kung saan napunta ang blood money para sana sa Overseas Filipino Worker na si Joselito Zapanta.

Kabilang sa mga resource person sa Senate hearing ang Department Of Foreign Affairs o DFA at Department of Labor and Employment o DOLE.

Naniniwala sina Senador Cynthia Villar at Susan Toots Ople na kung di naman nagamit ang pera ay ibigay na lamang sa pamilya ng nabitay bilang tulong.

Ayon naman sa OFW Family Club bukod sa pamilya ng naulila dapat bahaginan ang mga pamilya ng mga OFW na nasa death row.

(UNTV NEWS)

Tags: , , , ,