Magsisimula na ngayong taon ang malawakang pagkolekta ng basura sa North Sea, isang dagat na karugtong ng Atlantic Ocean, sa kaunaunahang pagkakataon sa pamamagitan ng proyektong Ocean cleanup.
Gagamit ng lumulutang na barrier platform na may habang isang daang metro ang proyekto upang makolekto ang mga lumulutang na basura sa dagat.
Layunin ng proyekto na malinis ang mga katawan ng tubig na walang masasaktan sea creatures.
Kaya nitong kumolekta ng hanggang tatlong libong cubic meters o katumbas ng isang Olympic swimming pool na basura sa isang pagkakataon.
(UNTV RADIO)
Tags: North Sea, Ocean cleanup