Mahigpit na ipinagbabawal ng Panagbenga Organizers ang pamumulitika ng mga kandidatong manonood at makikilahok sa highlinghts na siyang grand street dance ang grand float parade sa Baguio City.
Bawal sa mga kandidato mapa local or national candidate man ang makipagkamay sa mga tao sa araw ng pagdiriwang, bawal din ang mamigay ng flyers o magsuot ng mga souvenirs at t-shirts na nangangahulugan ng panganganpanya.
Mga incumbent officials lamang ng Baguio City ang pinapayagang makiisa sa parada.
Samantala, nasa mahigit isang milyong turista naman ang inaasahang dadagsa sa Baguio dahil sa flower fest.
Inaabangan na din ang mga bagong inovations na ginawa sa pagtitipon, gaya ng pagkakaroon ng small float category, at ang guideline na 50% sa gagamiting mga bulaklak sa mga floats ay live potted at 50% naman dito ay cut flowers.
Payo naman ng otoridad na iwasang walang maiiwan sa mga tahanan sa mga susunod na araw upang maiwasan ang pananalisi at pagnanakaw ng mga masamang loob.
(Bradley Robuza / UNTV Radio Reporter)
Tags: Baguio Flower Festival Organizers, bawal ang pamumulitika, Panagbenga 2016