Nagdulot ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Southern Peru ang walong oras na malakas na pag-ulan.
Sa Ayacucho Region hindi na makadaan ang mga sasakyan sa isang highway dahil sa mudslide.
Limang ilog narin ang isinara sa bantang pag-apaw nito.
Sa bayan ng Quillabamba, ilang pamilya ang inilikas na dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha.
Isang grupo ng Argentine tourist ang na stranded rin habang patungo sa kilalang Machu Picchu ruins.
Ayon sa Meteorological and Hydrological Service ng Peru ang mga nararanasang pabago-bagong weather conditions ay sanhi ng umiiral na El Niño sa bansa.
Tags: baha, ilang bahagi, Southern Peru