Magsisimula na sa darating na linggo, February 28 ang best-of- three championship series ng UNTV Cup Season 4.
Ito ang ikalawang pagkakataon na magku-krus ng landas ang dalawang koponan sa kampeonato ng UNTV Cup.
Sa unang paghaharap sa kampeonato nakuha ng Cavalier ang Season 2 Championship matapos na maungusan ang Responders 74-73 sa game three ng best-of-three title series.
Nabigo namang idepensa ng AFP Cavaliers ang titulo sa Season 3 matapos ma-eliminate ng Malacanan Patriots sa do or die game sa quarter finals.
Bukod sa uhaw na uhaw sa titulo ang PNP Responders na dalawang beses ng nabigo matapos na dalawang ulit ring makapasok sa kampeonato, paghihiganti sa Cavaliers ang magsisilbi nilang motibasyon simula sa linggo.
Pangungunahan ang Responders ni Seasons 1 & 2 Ollan “The Sniper” Omiping na nakapagtala ngayong season ng average 20.4 points at 5.2 rebounds sa pagtatapos ng second round eliminations
At ang rokie player na si PO1 Anton Tolentino na may average 11 point 7 points at 2 point 8 rebounds.
Sa panig naman ng Cavaliers, ang newly acquisition na si former PBA Player Boyet Bautista ang magtitimon sa mas bumilis at lumakas na team ng AFP.
Nakapagtala si Bautista ng 18.5 average points at 3.6 rebounds
Aasa rin ang AFP sa kanilang bigman na si Corporal Jeffrey Quiambao na poposte sa ilalim ng ring na may average 12. 3 markers at 6.7 bords.
Isang beses palang nagsagupaan ang afp at pnp ngayong season noong January 17 ngayong taon sa second round eliminations kung saan tinalo ng Cavaliers ang Responders sa score na 76 – 71
Samantala bago ang game 1 ng best of three finals ng PNP at AFP maghaharap naman ang MMDA Black Wolves at NHA Builders para sa battle for third, alas quatro ng hapon sa Ynares Sports Arena.
(Bernard Dadis/UNTV NEWS)