Umakyat na sa 7 ang nasawi dahil sa pananalasa ng isang severe weather system sa buong East Coast ng Amerika.
Tinatayang nasa limangput dalawang tornado ang naiulat na dumaan mula pa noong martes buong bansa.
Walo sa mga ito ay sa Virginia, lima sa North Carolina at tatlo sa Florida ayon sa US Weather Services.
Ayon pa sa U-S Weather Services, nakataas hanggang ngayon ang tornado watch sa mga estado ng New Jersey, Central and Eastern Maryland, Delaware, Northern Virginia at District of Columbia.
Samantala, mahigit sa 100,000 na tahanan sa Washington DC ang walang kuryente hanggang ngayon at higit sa 2,800 flight na ang kanselado mula pa kahapon.
Ang severe weather system na nagmula sa Southern part ng America ay dahilan din ng pagkamatay ng dalawang tao sa estado ng Louisiana at isa sa Mississippi noong martes
Sa New York, ay natumba ang isang truck sa gitna ng Washington Bridge sa pagitan ng New Jersey at New York City dahil sa malakas na hangin dulot ng severe weather na nagdulot ng matinding trapiko sa mga motorista kagabi
Nagdeklara na ng state of emergency ang mga estado ng Virginia at Florida, upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga nasalanta
Wala pang napaulat na mga kababayan nating apektado sa bagyo, ngunit patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Washington DC sa mga filipino communities sa East Coast USA.
(Nonie Ramos/UNTV NEWS)