79th Dia de Zamboanga, ipagdiriwang ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 2290

79th-Dia-de-Zamboanga
Idineklarang special non-working holiday sa Zamboanga City tuwing February 26 sa bisa ng Presidential Proclamation 1212.

Ito ay kaugnay sa taunang pagdiriwang ng Dia de Zamboanga, ang itinuring na Latin City sa Asya.

Sa ika-pitumpot siyam na pagdiriwang ngayong araw ay mas hinigpitan na rin ang ipinapatupad na seguridad sa lugar.

Apela ng pamahalaang lokal at mga otoridad sa mga residente na makipagtulungan sa kanila upang maiwasan ang anomang untoward incident.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng backpacks at pagsusuot ng bullcups.

Bawal rin na gumamit ng drone upang kumuha ng video partikular sa Paseo Del Mar na kung saan gaganapin ang pinaka-highlights ng pagdiriwang.

Kabilang dito ang grand civic military parade na mag-umpisa mamayang alas tres ng hapon at nagkaroon rin ng bird’s festival.

Samantala, inaasahan naman na dadalo sa pagdiriwang si dating DILG Secretary at Administration Presidential Standard Bearer Mar Roxas bilang guest of honor at speaker at iba pang kaalyado ng administrasyon.

Sa mga nagdaang pagdiriwang ay mga kinatawan mula sa Espanya ang guest of honor at speaker sa Dia de Zamboanga.

(Dante Amento/UNTV NEWS)

Tags: ,