Binigyan ng pagkakataon ng design firm ang ilang mga batang may disabilities na mag-disenyo at gumawa ng sarili nilang fun-prosthetics
Kid-mob ang kid-friendly design firm na nagtuturo sa mga bata na lumutas ng ilang mga social issues sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ang workshop na pinamagatang “superhero cyborgs 2.0”, ay nagbunga ng mga imbensyon tulad ng glitter shooter at elbow-movement-activated water gun
Ang mga bata ay nakagawa ng mga ito sa pamamagitan ng software, 3d printing, scanning, plaster casting at sewing, na lahat ay itinuro ng grupo kasama ang ilang volunteers.
Matapos ang workshop, natupad naman ang layunin ng Kid-mob na linangin ang pagkamalikhain at problem solving skills ng mga batang may disabilities.
(UNTV RADIO)
Tags: disabilities, Kid-mob