River cruise ng Aloguinsan, may tatak ng genuine filipino hospitality

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 2004

River-cruise
Isinusulong sa musipalidad ng Aloguinsan sa Cebu ang pagpapayaman sa kulturang Pilipino, kabilang na ang pag-iingat sa mga eco-tourism gaya ng river cruise sa Bojo River.

Bago pa kami sumakay ng bangka, ay binusog muna nila kami ng mga lutong pinoy.

Nabusog rin kami sa mga impormasyon na ibinabahagi nila gaya ng kahalagahan ng mga mangroves laban sa bagyo.

Nasa 1.4 kilometer ang haba ng river cruise, maraming mangroves ang madadaanan.

Twenty two species pala ng mangroves dito ang makikita natin at hundred species ng plants, kaya maaaliw ka habang binabaybay natin palabas na Bojo River.

At ang breathtaking ditong pagmasdan ay ang Lagusan ng Bojo River, dahil sa pagitan ng dalawang bundok, humuhugos ang ilog patungo sa dagat.

Kaya naman sa naghahanap ng mapapasyalan, dalawin na ang Aloguinsan.

Kaya huwag maging dayuhan sa sariling bayan dahil dito sa Aloguinsan, kakaibang kagandahan ng kalikasan iyong masasaksihan.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: , ,