Balik-tanaw sa 1986 EDSA People Power Revolution

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 12023

1986-EDSA-People-Power-Revolution
Itininuturing ang EDSA Revolution na isa sa mga pinakamapayapang demonstrasyong politikal sa mundo na ginawa upang labanan ang diktaturayang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Tumagal ng apat na araw mula Pebrero 22 hanggang 26 noong taong 1986 ang naturang rebolusyon.

Isa sa mga itinuturong nagtulak sa mga pilipino na mag-alsa ang pagkakapaslang kay Ninoy Aquino sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.

Matatandaang nahalal si Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas taong 1965 noong natalo niya sa eleksyon si Diosdado Macapagal, ang ama ng dating Pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Muli siyang nahalal bilang Pangulo ng Pilipinas taong 1969 laban kay Sergio Osmeña Jr.

Sa pamumuno ni Marcos nasimulan ang mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan.

Sa ikalawang termino naman niya bilang Pangulo ng Pilipinas lumitaw ang mga alegasyon at katiwalian.

Tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Nagsimula na rin noon mabuo ang mga rebeldeng grupo katulad ng New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front.

Setyembre 21,1972 sa pamamagitan ng Proclamtion 1081, inilagay ni Marcos ang bansa sa ilalim ng Batas Militar o Martial Law.

Idinahilan niya ito bilang tugon umano sa lumalaganap na kaguluhan sa bansa.

Sa ilalim ng Martial Law, madami ang pinasarang mga institusyon ng media. Tanging ang Channel 2 at Channel 4 lamang noon ang mga estasyon ng Telebisyon na nagsasahimpapawid.

Nagkaroon naman ng Snap Election noong Feb 7 1986 matapos itong imungkahi ng Amerika kay Marcos.

Ipinahayag noon ng Commission Of Elections na nanalo si Marcos ng 51 porsyento ngunit, ayon naman sa National Movement for Free Elections o Namfrel, nanalo si Aquino ng 52 porsyento.

Pebrero 15 ang ipinahayag ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nagwagi. Nag walk-out sa pagprotesta ang 50 oposisyon. Hindi rin natanggap ng taong bayan ang resulta at nakinig sa panawagan ni Aquino ang mga crony ni Marcos, dahilan ito ng lalong pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

Sa kasagsagan ng rebolusyon tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong indibidwal ang nagtungo sa EDSA mula sa Abenida hanggang Cubao.

February 25 ng ipasya ni Marcos at ng kanyang buong pamilya na lisanin na ang Malacanang kasabay ng panunumpa ni Cory Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas.

(Aiko Miguel/UNTV RADIO)

Tags: