Vote buying, rejected ballots at delayed transmission ilan sa mga problemang kakaharapin ng COMELEC sa araw ng halalan

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 2067

VICTOR_JIMENEZ
Inaasahan na ng Commission on Elections na may mga problemang lilitaw sa araw ng halalan at kabilang na rito ang mga botanteng hindi makita ang pangalan sa voters list.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ito ay dahil may mga taong nananatiling ang alam ay naka- TRO pa rin ang “No bio No boto” ng komisyon.

Isa rin sa concern ng COMELEC ang mataas na kaso ng vote buying, kaya apela nito sa publiko isumbong sa kanila ang mga taong gumagawa nito.

Hinimok din ng poll body ang publiko na i-report ang mga kaso ng electioneering sa araw ng eleksyon.

Halimbawa na dito ang mga batang kinakasangkapan upang mamigay ng mga pulyetos at ilang barangay officials na nakasuot ng tshirt na nakatatak ang partido o pangalan ng kandidato.

Hindi rin isinasantabi ng comelec ang posibilidad na may mga balotang irereject ng vote counting machines.

Ngunit giit ni Jimenez hindi dahil ni reject ng VCM ang balota ay may depekto na ang makina.

Isa rin sa kanilang nakikitang problem ay ang delay sa transmission ng resulta ng botohan dahil sa problema sa signal sa ilang mga lugar.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,