Responsibilidad ng bawat kumpanya na masigurong may proteksiyon at ligtas ang pinatratrabahuhan ang kanilang mga manggagawa.
At kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng DOLE ang mga employers na sumunod sa Occupational Safety and Health standards.
Bagama’t may mga multa na kahaharapin ang mga employer na lalabag, sinabi ng DOLE na walang batas na may criminal liability ang employer na hindi susundin ang O-S-H standards.
Nakikita ng DOLE na isang dahilan ito kaya hanggang ngayon ay mayroon paring mga kumpanyang hindi sumusunod sa nasabing standards.
Sa taong 2014 hanggang 2015, mahigit sampung libong empleyado ang apektado ng hindi pagsunod ng kanilang mga employers sa OSH standards.
Ayon sa DOLE, sa mga contruction at factories kadalasang may nagagawang paglabag.
Noong 2015, mahigit tatlumpung empleyado ang namatay dahil sa sunog sa isang factory ng pagawaan ng sapatos sa Valenzuela.
Lumabas sa imbestigasyon na hindi sumusunod ang Kentex factory sa OSH standards.
Sa ngayon ay isinusulong ng DOLE ang isang batas upang maging isa nang krimen ang mapatutunayang employers na hindi sumusunod sa OSH standards.
Pinalalahanan din nito ang mga empleyado na alamin ang karapatan nila sa pagkakaroon ng ligtas na workplace at kung maari ay kaagad na isumbong sa DOLE ang mga employers na lumalabag sa OSH standards.
Samantala, binubuo na ng DOLE ang bagong Philippine Labor and Employment Development Plan para sa taong 2016 hanggang 2022.
Ayon sa DOLE karugtong ito ng 2011 to 2015 na development plan.
Target ng DOLE na isumite ito kay Pangulong Aquino sa Mayo, na sya namang magdidisisyon kung irerekomenda nya ito na ipatupad sa susunod na administrasyon.
(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)
Tags: DOLE, mga empleyado, Mga employer, trabaho