Ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ginugunita ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 5731

grace_edsa
Sa huling taon ng termino ni Pangulong Aquino, kanyang pinangunahan ang ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Pagkatapos ng Pambansang Awit ng Pilipinas sinundan ito ng panunumpa sa watawat.

Kasama ni Pangulong Aquino, si dating Pangulong Fidel Ramos, House Speaker Feliciano Belmonte Jr., mga gabinete at foreign dignitaries.

Ginawaran ng parangal ang mga personalidad na nagambag ng kapatangan at sakripisyo upang maging matagumpay ang mapayapang pag-aklas.

Muling ring isinagawa ang makasaysayang salubungan ng mga sibilyan at mga sundalo.

Sabay-sabay ring pinalipad ang mga makabagong military air assest ng Sandatahang Lakas.

Hindi naman makalilimutan ni Angelo Diego Castro III ang kanilang mga karanasan sa EDSA.

Inala-ala nito ang katapangan ng kanyang mga magulang.

Lalo na ng kanyang inang si June Keithley-Castro na nanawagan noon sa mga Pilipino na magtungo sa EDSA at makiisa sa mapayapang rebolusyon laban sa diktadurya.

Ayon naman sa anak ni dating Senador Agapito “Butz” Aquino III na si Jackie Aquino, hindi matatwaran ang katapangang ipinakita ng mga Pilipinong nagsakripisyo upang makamit natin ngayon ang demokrasya.

Nag iwan naman ng mensahe ang pangulo sa kasalukuyang henerasyon.

Ang mga estudyanteng lumahok sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay nagpapasalamat sa mga Pilipinong walang takot na nakipagbaka para sa kapayapaan.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,