Mga residenteng naapektuhan ng nasunog na LPG depot sa Calaca Batangas, maghahain ng reklamo vs SPI

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 1857

CALACA
Pursigido ang mga residenente ng Barangay Salong sa Calaca Batangas na maghain ng reklamo sa Office of the Mayor laban kumpanyang nag-mamay ari ng nasusunog na Liquefied Petroelum Gas o LPG depot sa kanilang lugar.

Sabado ng hapon ng sumiklab ang apoy sa LPG storage facility ng South Pacific Incorporated na nasa loob ng Phoenix Petroterminals and Industrial Park.

Ayon sa mga residente bagaman nakapagbigay sa kanila ng trabaho ang kumpaniya na South Pacific Incorporated, ayaw naman nilang malagay sa panganib ang kanilang mga buhay dahil sa sakuna na posibleng idulot nito.

Mahigit isang libo at dalawang daang residente pa rin ng Barangay Salong ang nananatili sa apat na evacuation centers

Natatakot pa ring umuwi ang mga ito sa kanilang mga tahanan dahil sa pangamba ng pagsabog sa lugar.

Apektado na rin ang paghahanapbuhay ng mga residente at maging ang pag-aaral ng mga estudyante

Samantala, mula sa apat na tangke, isang tangke na lamang ngayon sa LPG depot ang mayroon pa ring apoy

Nakatakda namang magbigay ng pahayag ang South Pacific Incorporated at ang Calaca Municipal Government sa oras na magdeklara ng fire out ang Bureau Of Fire Protection.

(Sherwin Culubong/UNTV NEWS)

Tags: ,