Onscreen verification sa Vote Counting Machines, posibleng gamitin ng COMELEC

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 1753

VICTOR_BAUTISTA
Nanindigan ang Commission on Elections na huwag magbigay ng resibo sa mga botante pagkatapos nilang bumoto sa halalan sa Mayo.

Kamakailan naghain ng petisyon sa Korte Suprema si dating Senador Dick Gordon na humihiling na utusan ng korte ang COMELEC na mag isyu ng resibo.

Ngunit ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bukod sa posibleng magamit ito sa vote buying kung pag aaralan ang halalan sa Pilipinas na may mahigit sa limampung milyong botante at isang araw lang ginaganap, hindi aniya praktikal ang pag-iisyu ng resibo.

Ayon kay Bautista maaring ipatupad ang pag iisyu ng resibo sa botohan sa ibang bansa dahil kakaunti lang ang botante at isang buwan tumatagal ang overseas absentee voting.

Ngunit dito sa Pilipinas posibleng pagbigyan ng COMELEC ang on screen verification kung saan makikita ng botante sa Vote Counting Machines kung binasa ng tama ng makina ang isinulat sa balota.

Pinag-aaralan lang ng COMELEC ang ilang aspeto kaugnay dito.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,