1,199 sitios sa Gitnang Luzon, magkakaroon ng maayos na serbisyo ng kuryente

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 1901
(Photo credit: Danny Munar)
(Photo credit: Danny Munar)

Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino The Third ang switch on ceremony para sa electrification ng 1,199 sitios sa Central Luzon.

Ito ay sa ilalim ng SEP o Sitio Electrification Program.

Isinagawa ang switch on ceremony sa Nueva Ecija II Electric Cooperative Compound Area 1 Brgy.Calipahan, Bayan ng Talavera.

Ayon sa Philippine Information Agency, kabilang sa sakop ng SEP program sa Region 3 ay ang Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bataan at Zambales.

Aabot sa mahigit pitumput walong libong mamamayan ang makikinabang sa proyekto na nagkakahalaga ng 1.873 billion pesos.

Sa kasalukuyan, dalawang sitio na lamang ang hindi pa nalalagyan ng linya ng kuryente at inaasahang makakabitan ang mga ito bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Ayon sa mga electric company malaki ang maitutulong ng Sitio Electrification Program upang mas mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan sa Central Luzon.

Makapagbibigay din ito ng mas maraming trabaho at mapalalawak ang impormasyon pagdating sa community sector.

Pagkatapos ng switch on ceremony, magtutungo ang pangulo sa lunsod ng San Jose upang makipagpulong naman sa mga community liders sa naturang lunsod.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,