Tuloy-tuloy pa rin ang pagbubuga ng Mt. Bulusan ng usok mula pa noong lunes matapos magkaroon ng phreatic explosion o pagbuga ng abo na nasa limandaang metro ang taas.
Dahil dito ay nagpadala na sa Sorsogon ang Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ng ilang tauhan upang magbabantay sa Mt. Bulusan.
Ayon kay Ginoong Rudy Lacson ang Senior Science Specialist mula sa national office ng PHILVOLCS naging dahilan ang madalas na pagulan sa probinsya ng Sorsogon kung kaya muli na naman nagkaroon ng aktibidad sa ilalim ng bulkan.
Dahilan para magproduce ng ash o steam plumes sa paligid nito.
Ngayong umaga muling susukatin ng ground deformation team ng PHILVOLCS ang dalisdis ng Mt. Bulusan kabilang ang inlagadian lines, tinampo lines at mapaso lines upang tingnan kung may nangyari pamamaga sa paligid nito.
Patuloy naman na nagpaalala ang ahensya sa mga residenteng nakatira sa paligid ng bulkan kabilang ang ilang barangay sa bayan ng Juban at Irosin Sorsogon na maging alerto at maingat sa tuwing kinakikitaan ng paggalaw ang bulkan.
Samantala, nananatili namang nakataas sa alert level nito sa one ang Mt. Bulusan dahil sa mga aktibidad nito ibig sabihin ipinagbabawal ang pagpasok ng sinoman sa 4 km radius ng paligid ng bulkan.
(Allan Manansala/UNTV News)
Tags: Mt. Bulusan