Pilipinas, panglima sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming natamnang kagubatan sa nakalipas na limang taon

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 3643

FOREST
Mahigit sa 1 libong opisyal ng gobyerno at representante ng mga international at non-government organization mula sa 30 bansa ang nagtipon-tipon dito sa Clark Freeport Zone, Pampanga para sa Asia-Pacific Forestry week 2016.

Ito at pinangunahan ng Food and Agriculture Organization of the United Nations at ng Asia-Pacific Forestry Commission (APFC), sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources ng Pilipinas.

Mahigit sa 70 workshops, seminars at partner events ang isasagawa sa forestry week.

Ipinagmalaki naman ng DENR ang pagkakahirang ng UN Food and Agriculture Organization sa Pilipinas bilang pang lima sa buong mundo sa larangan ng greatest annual forest area gain o taunang mga natamnang kagubatan na nasa 240,000 hectares mula 2010-2015.

Ayon sa DENR, nasa 40% ang kayang itulong ng kagubatan upang maabot ang kontribusyon ng pilipinas sa pagpapababa ng CO2 emmision sa buong mundo.

Ayon sa kagawaran malaki ang naitulong ng EO 23 o ang pagbabawal sa pagputol ng puno sa mga natural at residual forest at ang EO 26 o ang pagbuo ng national greening program.

Ang mga executive order na ito ay naglalayon na matamnan ang nasa 1.5M hectares ng denuded and degraded forests mula 2011-2016.

Sa katapusan ng 2015 ay umabot na sa mahigit 1.35M hectares ang natamnan ng mahigit sa 915.3M seedlings.

Nagbigay din ito ng halos 2.9M na mga trabaho mula noong 2011.

Noong 2010 ay nasa 6.84M hectares lamang ang forested area sa bansa habang 8.97M hectares naman ang denuded o kalbo.

Umaabot naman sa 740M hectares ang forest sa buong Asia Pacific.

(Rey Pelayo/UNTV News)

Tags: ,