Pondong inilaan ng pamahalaan sa mga infrastracture project sa bansa, mas lumaki pa

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 1636

PRESIDENT-AQUINO
Bukod sa ginawang inspeksiyon ni Pangulong Aquino sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Bulacan, pinasinayaan din niya ang mga bagong classrooms sa Sta Romana Trillana High School para mga highschool student sa Hagonoy Bulacan.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga guro at mag-aaral ng Sta. Romano Trillana High School ibinida rin ng pangulo ang iba’t ibang proyektong pang imprastrukturang ng pamahalaan sa Bulacan.

Ilan dito ang Plaridel bypass na magdudugtong sa NLEX at Maharlika Highway.

Ang retrofitting ng Angat Dam at ang bulk water dam project na isasagawa ang groundbreaking sa Hulyo.

Ipinagmalaki rin ng pangulo ang mas malaking budget na inilaan ngayong taon ng national government para sa mga iba’t ibang infrastructure projects na nagkakahalaga ng 766 billion pesos.

Ayon sa pangulo mas mataas ang budget na ito sa 165 billion pesos na inilaan ng nakaraang administrasyon para sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Sinabi rin ng pangulo na sa ngayon umaabot na sa mahigit na animnalibong kilometrong national roads ang naitayo at naisaayos ng kanyang administrasyon bukod pa ang tinatayang isang libong pang kilometro na inaasahang matatapos ngayong taon.

Idinagdag pa ng pangulo na aabot sa 1550 KM na tourism roads at 3700 KM local roads ang isinaayos sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Samantala sinabi naman ng DPWH, na balak nitong tapusin ang pag-aaward ng may 60 hanggang 70 na infrastructure projects bago mag election ban sa March 25.

Ayon sa DPWH, ito’y para pag katapos ng election ay tuloy-tuloy na ang proseso para masimulan na ang mga proyekto.

Hinikayat naman ni Pangulong Aquino ang mga residente na piliin ang kandidatong magpaptuloy ng mga magagandang programa ng tuwid na daan.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,