Rice smuggling, tumaas sa panahon ng Aquino administration- SINAG

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 4986

RICE
Lalo pang lumala ang pagpupuslit ng bigas sa ilalim ng Aquino administration.

Ito ay batay sa United Nations Comtrade Report na inilabas ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG.

Ang UN Comtrade database ay isang international trade statistics ukol import at export ng mga commodities.

Nakasaad rito na noong 2005 hanggang 2009 ay nasa mahigit isang milyong metriko tonelada ang volume ng smuggled na bigas

Ngunit naabot ito sa mahigit dalawang milyong metriko tonelada sa Aquino administration mula 2010 hanggang 2014

Depensa ng National Food Authority, mismong ang Bureau of Customs na ang nagsabing mababa ang datos ng rice smuggling sa mga taong 2015 at 2016

Isa namang solusyong nakikita ng komite sa problemang ito ay huwag nang bigyan ng import permit ang private sector na tinutulan naman ng NFA.

Isusulong naman ng Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food Senador Cynthia Villar sa susunod na kongreso ang government to government procurement ng bigas upang maiwasan ang anomalya.

Nahayag rin sa pagdinig na wala pa ring naihahaing kaso ang Department of Justice laban sa rice trader na si David Bangayan.

Ito na ang huling pagdinig ng senado sa isyu ng smuggling at magkakaroon na ng rekomendasyon ang komite

Ipinauubaya na ng senado sa DOJ ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga smuggler.

Umaasa naman si Senador Villar na kapag nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang agricultural bills, matutulungan nito ang nasa mahigit labing isang milyong magsasaka at mangingisda at agad ding mapananagot ang mga smuggler ng agricultural product.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,