Basic safety training, psychomotor skills at vehicle extrication training; ilan lamang ito sa mga pinagsanayan ng mga kalahok sa isinagawang tatlong araw na Road Accident Rescue Training sa Davao City.
Inorganisa ito ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (DDRRMO) at pinangunahan ng Davao Central 911.
Layon nitong mahasa pa ang kakayahan ng mga rescue group sa pagresponde sa mga road accidents.
Tatlong rescue volunteers bawat rescue group ang kalahok sa naturang training na nagsimula noong ika-20 ng Hunyo at nagtapos nito lamang nakalipas na Byernes.
Kabilang sa mga participants sa training ang ilang volunteers mula sa UNTV News and Rescue Davao Team
Bukod sa training, ipinakita rin ng Davao Central 911 sa mga kalahok ang mga makabagong rescue equipment at vehicles nito na ginagamit sa pagresponde sa aksidente.
Isa ang Davao Central 911 sa mga pinaka-organisado at modernong rescue teams sa bansa. Noon lamang ika-18 ng Hunyo ay itinanghal itong kampyon sa ginanap na Emergency Medical Services Asia 2018 Clinical Competition kung saan sampung rescue teams sa Asya ang naglaban-laban.
( Marisol Montaño / UNTV Correspondent )
Tags: Davao City, rescue group, Road Accident Rescue Training