18 patay, mahigit 100 na-trap sa pagguho ng isang pabrika sa Pakistan

by Radyo La Verdad | November 5, 2015 (Thursday) | 1600
Gumuhong pabrika sa Pakistan(REUTERS)
Gumuhong pabrika sa Pakistan(REUTERS)

Umaabot sa labingwalo ang nasawi at 150 ang pinaniniwalaang nakulong sa nag-collapse na factory malapit sa siyudad ng Lahore sa Pakistan.

Patuloy ang ginagawang paghuhukay ng rescue workers gamit ang mga construction equipment sa paghahanap sa mga natabunan.

Nasa apatnapu na ang nahukay ng buhay sa nag-collapse na factory.

Ang factory ay gawaan ng mga shopping bags.

Hindi pa matukoy ang sanhi ng pagguho ng gusali na ayon sa mga otoridad ay may isinasagawang konstruksiyon ng maganap ang trahedya.

Tags: , ,