Nais magbalik Kongreso ng mga kasalukuyang party-list representatives para sa 18th congress.
Maagang naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang Abono, Butil, Kabayan, Manila Teachers, Diwa, Puwersa ng Bayaning Atleta at Senoir Citizen, bibit ang kani-kanilang plataporma.
Bago ang 5pm cut-off, humabol sa paghahain ng CONA ang ACTS-OFW Party-list.
Tumanggi si ACTS-OFW party-list Representative John Bertiz na magbigay ng pahayag.
Kinumpirma naman ni Comelec Legal Deptartment Lawyer Atty. Akia Co na si Bertiz pa rin ang number 1 nominee ng nasabing party-list.
Hindi rin umano kasama ni resigned PCOO Asec. Mocha Uson sa nominee ng ACTS-OFW.
Kasunod ito ng mga usapang tatakbo si Mocha bilang kinatawan ng mga OFW.
Samantala, maaga ring naghain ng CONA ang mga baguhang party-list group na nagrerepresenta sa mga guwardiya, guro, kabataan, maggagawa, indiginiuos people, transport group, Visayas Region, Kapampangan at iba pa
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: 18th congress, coc, CONA