Pormal nang itinurn-over kahapon ng United States Government sa Philippine navy ang Tethered Aerostat Radar System o TARS na naka-install sa San Antonio, Zambales.
Nagkakahalaga ang TARS ng eighteen million (18) US dollars o nasa siyam na raan at dalawampu’t-limang (925) milyong piso.
Magagamit ito sa pagpapaigting sa pagbabantay sa mga karagatang sakop ng bansa laban sa mga terorista, kriminal at maging sa illegal fisher. Magagamit din ito para sa Humanitarian Assistance at Disaster Relief Operations.
Ang proyekto ay bahagi ng limang taong Maritime Security Initiative o MSI program na layong mapaunlad ang security capabilities ng mga bansa sa South East Asia.