18 kaso ng B.1.1.7 Variant ng Covid-19, naitala mula sa isinagawang sequencing ng 757 samples

by Erika Endraca | February 22, 2021 (Monday) | 606

METRO MANILA – Muling nakapagtala ang Department Of Health (DOH) sa Pilipinas ng 18 panibagong kaso ng B.1.1.7 o Variant na unang natuklasan sa United Kingdom.

Ang mga ito ay mula sa 7th batch ng 757 samples na isinailalim sa genome sequencing ng Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health noong February 18.

13 sa mga ito ay mula sa mga returning Overseas Filipino Worker na dumating sa Pilipinas noong January 3 hanggang 27.

Lahat naman sa mga ito ay naka-recover na.

Tatlo sa mga kaso ay mula sa Cordillera Administrative Region.

Habang 2 kaso naman ang kasalukuyan pang bineberipika kung ang mga ito ay local cases o mula sa Returning Overseas Filipinos.

3 samples sa mga bagong kaso ang natuklasang may 2 mutations ng b.1.1.7 variant na nakita sa mga kaso sa Central Visayas noong nakaraang linggo

Sa kabuuan, 62 na ang bilang ng mga kaso ng B.1.1.7 variant ng Covid-19 sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)