METRO MANILA – Iniulat ng Department of Health (DOH) na natuklasan na sa bansa ang unang 18 kaso ng Omicron Subvariant ng COVID-19 na JN.1
Ayon sa kagawaran, ang naturang mga kaso ay nakarekober na at na-detect sa pamamagitan ng genomic sequencing.
Binigyang diin naman ng ahensya na wala pang malaking pagtaas sa bilang nito at wala pang ebidensiyang nagpapakita na mas mabilis kumalat ang nasabing Omicron Subvariant kung ito man ay nagiging mas mapanganib o nakamamatay.
Natuklasan ng mga eksperto ang 18 kaso sa pamamagitan ng mga sample na kinuha mula November 16 hanggang December 3.
Sinabi ng DOH na itinuring na isang variant of interest ng World Health Organization (WHO) ang JN.1 dahil kailangang itong masusing obserbahan at pag-aralan ng mga mananaliksik sa buong mundo.
Binalaan naman ng kagawaran ang publiko na gumamit o magsuot ng face mask, paigtingin ang proteksyon gaya ng pagbabakuna at pag-iwas sa matataong lugar o may di magandang airflow o bentilasyon lalo na ngayong holiday season.
Tags: DOH, JN.1 COVID-19 Variant, WHO