18 bansa suportado ang panukala sa UNHRC na imbestigahan ang drug war sa Pilipinas

by Erika Endraca | July 12, 2019 (Friday) | 2636

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyon na humihikayat na magsagawa ng imbestigasyon sa sitwasyon ng human rights sa bansa kaugnay sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa ginawang pagtalakay sa ika-41 sesyon sa Geneva kahapon (July 11), 18 mula sa 47 bansa na miyembro ng UNHRC ang bumoto pabor sa resolusyon na nanuna ng isinumite ng bansang Iceland

14 na member states naman ang bumoto laban sa panukala, habang 15 ang nag-abstain.

Samantala binasa naman ni Ambassador Evan P. Garcia ang mensahe ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr kaugnay sa nasabing resolusyon.

“This resolution those not represent  overwhelming proof thus, the philippines rejects this resolution and one-sided resolution” ani permanent representative of the Philippines to the UN Geneva Ambassador Evan P. Garcia.

Tags: ,