Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ni Cedric Lee na madismiss na ang kanyang kasong graft.
Sa resolusyon ng korte sa motion to quash na inihain ni Lee, sinabi nitong may probable cause o sapat na basehan na nagkaroon ng sabwatan sina Lee at dating mayor ng Mariveles Bataan na si Angelo Peliglorio sa maanomalyang konstruksyon ng Mariveles public market.
Tumangggap umano ang kumpanya ni Lee na Izumo contractors ng 14 million pesos na pondo mula sa lokal na pamahalaan noong 2005 para sa pagpapagawa ng public market.
Gayunpaman, hindi natuloy ang proyekto.
Itatakda na ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay Lee.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: Cedric Lee, kasong graft, Sandiganbayan