Ulan na dala ng cloud seeding operations sa Zamboanga City, hindi pa sapat – City Agriculture Office

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 1007

DANTE_CLOUD-SEEDING
Natapos na ang unang linggo ng pagsasagawa ng cloud seeding operations ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA at Philippine Airforce sa Zamboanga City.

Sa loob ng isang linggong operasyon, limampung sakong rain dance cloudseeding salt ang naubos.

Ngunit ayon sa City Agriculture Office at water district hindi sapat ang buhos ng ulan na umaabot lamang sa 5 hanggang 8 milimeters.

Wala itong malaking epekto partikular sa mga watershed.

Hindi rin nagkaroon ng gaanong epekto sa mga lupang sakahan na nagkabitak-bitak dahil sa sobrang init ng panahon.

Bumaba din ng halos isang metro ang water level sa diversion dam na nangangahulugan ng pagbaba naman sa supply ng tubig sa lungsod.

Samantala, umabot na sa 19.8 million pesos ang pinsala sa mga pananim dahil sa matinding tagtuyot.

Pinangangambahang lalala pa ito sa mga susunod na buwan kapag hindi naging maganda ang epekto ng cloudseeding operation na tatagal hanggang sa February 28.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)