Ang mga residente na nawalan ng bahay dahil sa bagyong yolanda sa Anibong Area sa Tacloban ang napili ng Philippine Disaster Recovery Foundation o PDRF na maging unang benepisyaryo ng kanilang transitional shelter project.
Ayon sa PDRF, target nilang mai-turn over ang kabuoang 240-transitional shelters sa Tacloban City sa kalagitnaan ng taon.
Sa ngayon ay apatnapu’t pitong bahay pa lamang ang kanilang naipagkaloob.
Isang filipino american ang nagdisenyo ng bahay at tinawag nila itong butterfly house dahil madali lang itong i-assemble.
Bukod pa sa ang materyales nito ay hindi basta-basta nasusunog.
Ang bawat unit ay may sukat na 20 square meters at nagkakahalaga ng 130-thousand pesos.
Katuwang ng PDRF ang USAID sa pagpapatayo ng mga bahay, habang ang lupa naman ay bigay ng lokal na pamahalaan.
(Jenelyn Gaquit/UNTV News)
Tags: Philippine Disaster Recovery Foundation, transitional shelters