Donald Trump panalo sa South Carolina Primaries; Hillary Clinton nauungusan si Bernie Sanders sa Nevada caucus

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 1428

DONALD-TRUMP
Tinalo ni Donald Trump ang kanyang mga kalabang kandidato sa ginanap na republican presidential primaries sa South Carolina.

Nakuha ni Trump ang 33% na boto sa estado habang dikit naman sa 22% sina Senator Marco Rubio at Senator Ted Cruz.

Samantala nagwithdraw na sa presidential race ang dating republican front runner at kapatid ni Former President George Bush na si Governor Jeb Bush.

Sa democratic party naman, nauungusan ni Former Secretary Hillary Clinton na may 52.6 percent of votes si Senator Bernie Sanders na may 47.3 percent of votes sa isinagawang Nevada caucus.

Inaasahang malalaman na kung sino ang magiging kandidato ng bawat partido sa pagkapangulo, sa darating na March 8, kung saan higit sa sampung estado ang magdaraos ng primary elections.

(UNTV News)

Tags: