Nagdeklara na ng state of emergency ang bansang Fiji matapos ang pananalasa ng malakas na bagyo noong sabado
Nawalan ng supply ng kuryente, tubig at naputol rin ang komunikasyon sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa Prime Minister ng bansa sampu ang naitalang nasawi.
Mahigit pitong daang residente ang inilikas sa mga evacuation centers habang ang mga turista sa lugar ay nanatili sa mga conference rooms sa kanilang hotel
Sa ngayon ay patuloy na inaassess ng mga otoridad ang pinsalang idinulot ng itinuturing na pinakamalakas na bagyo na nanalasa sa Pacific Island Nation.
(UNTV News)
Tags: Fiji