Tinanggal sa pwesto ang 15 opisyal ng Philippine National Police Firearms and Explosive Office simula ngayon lunes.
Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez simula pa noong Disyembre 2015 ay pinaimbestigahan niya sa CIDG ang mga nakalulusot na pekeng dokumento para sa license to own and possess firearms sa feo
Base sa resulta ng imbestigasyon, kalimitang pinipeke ay ang neuro psychiatric clearance
Sinabi pa ng heneral na kung mapatutunayan na lumabag ang 15 opisyal ay kakasuhan nila ito ng administratibo o kriminal subalit ibabalik naman sa pwesto sakaling mapatunayang walang kasalanan.
Kabilang sa mga naalis sa pwesto ay si FEO Director P/CSupt. Francisco Elmo Sarona na pinalitan naman ni P/SSupt. Cesar Hawthorne Binag at labing apat na iba pa.
Payo ng heneral sa mga opisyal ng PNP, gawin ng maayos at maging tapat sa trabaho.pinayuhan naman nito ang mga gun owner na maging responsible at sumunod sa itinatakda ng batas
Kasama sa iniimbestigahan ng PNP ay kung paano nakalusot ang umano’y pamemeke ng neuro psychiatric clearance ni Palupandan Mayor Magdalano Peña upang makapag may ari ng maraming armas.
(Lea Ylagan/UNTV News)
Tags: Philippine National Police Firearms and Explosive Office, PNP Chief PDG Ricardo Marquez