Mas magiging madali na ang pagbabayad ng premium para sa lahat ng miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH.
Ito ay sa pamamagitan ng one pay machine, ang pinaka-bagong paraan ng pagbabayad ng premium contribution na inilunsad ng PHILHEALTH ngayong araw kasabay ng selebrasyon ng ika-21 anibersaryo ng ahensya.
Ang one pay machine ay self-operating na makina na ilalagay sa lahat ng mga bayad center outlets sa Metro Manila para sa mas mabilis na pagbabayad ng PHILHEALTH premium.
Sa pamamagitan ng one pay machine ay hindi rin magiging problema ng isang miyembro, ang oras ng pagbabayad, dahil bukas ito ng 24/7.
Bukod sa mga bayad center, plano rin ng PHILHEALTH na maglagay ng one pay machine, sa lahat ng mga government office,mga mall at maging sa mga convenience store para sa mas malawak na access ng mga miyebro.
Kasama rin sa inupgrade ng PHILHEALTH ang kanilang website, kung saan maaari ng i-check ng mga miyembro ang kanilang record status, premium contribution, at maging ang mga case rate package na ino-offer ng ahensya.
Samantala, bukod sa payment system, iprinisinta rin kanina ang bagong disenyo ng PHILHEALTH id, kung saan gagawin na itong digital based at may kasamang biometrics.
Para sa lahat ng mga miyebro na nagbbabayad ng kanilang voluntary contribution, sisimulan ang aplikasyon para sa bagong id sa darating na Abril.
Habang ang mga company based naman ay on-going na ang pagpoproseso ng application.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)