Senado, ikinatuwa ang paglagda ni Pangulong Aquino sa Executive Order na naglalayong madagdagan ang sahod ng mga empleyado ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 1621

BRYAN_SENATE
Ikinatuwa ni Senate President Franklin Drilon ang ginawang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa Executive Order na naglalayong maitaas ang sahod ng halos 1.3 million na mga empleyado ng pamahalaan.

Ngunit ayon kay Drilon ang dagdag sahod na ito ay para lamang sa kasalukuyang taon, dahil nakasalalay sa susunod na kongreso ang apat na taong implementasyon ng Salary Standardization Law IV kung saan kinakailangan ng bagong bersyon ng panukala.

Sinabi ng senador na sa pagsisimula ng 17th congress ay siya mismo ang unang magsusulong sa pagpasa sa SSL IV.

Samantala, bagama’t ikinatuwa rin ni Senador Trillanes ang executive order ni Pangulong Aquino, sinabi nito na sana ay isinama na rin ng Pangulo ang pensyon ng mga retirado sa madadagdagan.

Ang dagdag na sahod ay mula sa 58 billion pesos na inilaan mula sa 2016 General Appropriations Act (GAA) na pinirmahan ng Pangulo noong nakaraang taon.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,