Kauna-unahang Persons with Disability friendly bus, nagsimula nang bumiyahe

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 1733

PWD
Maituturing na maliit ang mundo ng mga taong may kapansanan dahil hindi sila puwedeng magtungo sa isang lugar na walang kasama.

Ito ay sa dahil ang kulang ang pasalidad para sa kanila.

Karamihan sa mga pampublikong sasakyan ay hindi angkop sa mga Person with Disabilities o PWD’s nakadalasan ay naka-wheel chair.

Ngunit inaasahang mabibigyang pabor ang mga PWD sa bus na nakadisenyo para sa kanila

Ang bus ay pagmamayari ng Frohlich (froilish) tours, nag-iisang bus company na nabigyan ng prangkisa sa P2P service ng LTFRB

Ito ay mayroong cctv camera, gps, wifi facility at steward na mag-aassist sa mga PWD

Inaasahan namang magkaroon itong safety strap upang hindi aalog-alog ang mga PWD habang bumibiyahe ang bus.

Ayon sa Frohlich tours, iisa pa lamang ang kanilang PWD bus sang-ayon ngunit sa Agosto ay aabot na ito sa animnapung units.

55 pesos ang pamasahe sa bus mula Trinoma hanggang Greenbelt sa Ayala, subalit 41 pesos lamang para sa mga PWD dahil sa 20% discount

530 am ang first trip sa Trinoma station habang 10:15 pm naman ang last trip mula sa Glorietta.

Ang mga PWD umaasa na sa lalong madaling panahon ay magkaroon din ng iba pang PWD friendly na pampublikong sasakyan.

Ayon sa DOTC plano nila sa hinaharap, lahat ng mga bus sa Metro Manila ay gawing moderno gaya ng mga P2P bus.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,