Pangulong Aquino, ginawaran ng Honorary Doctor Of Humane Letters Degree sa Loyola Marymount University

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1695

Doctor-Of-Humane-Letters-Degree
Sa huling araw ng working visit ni Pangulong Benigno Aquino the third dito sa Los Angeles California kinamusta ng Pangulo ang kalagayan ng ating mga kababayan dito sa ibang bansa.

Pinagkalooban ng Honorary Doctor Of Humane Letters Degree kaninang umaga si Pangulong Benigno Aquino the third sa Loyola Marymount University o LMU.

Ito ay bilang pagkilala sa integridad at dedikasyon ng Pangulo sa ating bansa.

Maliban sa doctors degree pinagkalooban rin ng honor chords si Pangulong Aquino sa pangunguna ng isang LMU Filam student na si Edward James Asuncion.

Ito ang pangatlong pagkakataon na nabigyan ng honorary degree si Pangulong Aquino ng unibersidad sa ibayong dagat.

Ang dalawang nauna ay sa Fordham University sa New York at Sophia University sa Tokyo.

Matapos ang seremonya ay nagpaunlak naman ng interview ang Pangulong Aquino na pinangunahan ng World Policy Institute.

Nakipagkamustahan rin si Pangulong Aquino sa filipino community dito sa Los Angeles

Ngunit bago magbigay ng mensahe ay pinagkalooban nito ng Order Of Sikatuna si Philippine Ambassador to the US Jose Cuisia Jr.

Ang order of sikatuna ay pinakamataas na diplomatic honor na ipinagkakaloob ng Pilipinas.

Sumentro ang talumpati ng Pangulo sa mga dapat piliin ng mga botante sa darating na eleksyon

Ayon sa Pangulo huwag pipiliin ang mga kandidatong nangangako ng magandang SSS pension hike ngunit hindi naman kayang maisustain ito.

Sa dalawang araw na working visit ng Pangulong Aquino dito sa Los Angeles iba’t ibang business opportunities ang inaasahang dala dala nito para sa ating mga kababayan sa paguwi nito sa Pilipinas bukas

(Christie Rosacia/UNTV News)

Tags: ,