Lumikas na ang ilang mga residenteng nakatira malapit sa gumuhong Arnedo dike sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Tinatayang nasa 170 meters ang haba na bahaging nasira sa dike noong nakaraang linggo.
Dahil sa insidente, pansamantala munang isinara ang kalsada sa mga motorista.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Luis, tinatayang nasa mahigit limang daang pamilya sa Barangay San Sebastian ang kailangang lumikas dahil sa panganib na posibleng idulot ng pagkasira ng dike lalo na kung masama ang panahon.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH, masayado ng matagal ang arnedo dike kaya patuloy ang pagkasira ng slope protection nito.
Nasa dalawampung bilyong piso ang kakailanganin para sa kabuoang konstruksyon at rehabilitasyon.
Tags: Arnedo Dike, mga residente, Pampanga