Napagkalooban ng tig-P5,400 ang nasa 1,744 low-income workers mula sa Ilocos Norte sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Layunin ng TUPAD program na mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga displaced worker, underemployed at seasonal worker sa loob ng 10 araw, ngunit hindi lalagpas sa maximum na 30 araw.
Natanggap ng mga manggagawa ang kani-kanilang cash assistance matapos makumpleto ang 16-day community cleaning and disinfection services sa kanilag lugar.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: cash assistance, DOLE, TUPAD