Muling binuweltahan ng Malacañang ang kampo ni Vice President Jejomar Binay matapos tawagin nitong ‘Bribe your Barangay’ ang Bottom-up Budgeting ng pamahalaang Aquino.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, sa paraan ng panunuhol at suhulan aniya gustong mamahala ni Binay.
Dalubhasa din aniya ito sa katiwalian at katawa tawa pagdating sa usapin ng mabuting pamamahala.
“I suppose that’s how VP intends to govern, to be bribed and to bribe. That’s why he is the expert in corruption, and a joker when talks about good governance.”
Wala rin aniyang naniniwala kay Binay kapag nagsasalita ito ng tungkol sa Freedom of Information o FOI dahil hindi man ito makapaglagay ng sekretarya at financial adviser sa mahabang panahon.
Dagdag pa ni Lacierda, ginagawa ni Binay ang kasabihang ‘walk the talk’ dahil ginagawa nito ang gusto nitong laging pagusapan na suhulan.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)