Warehouse ng plastic sa Meycauayan Bulacan, nasunog

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 4312

NESTOR_SUNOG
Umakyat sa general alarm ang sunog sa isang warehouse ng plastic sa Barangay Moralla Street Barangay Libtong Meycauayan City Bulacan pasado alas siyete kagabi.

Sugatan ang accounting supervisor ng kumpanya na nagmamay-ari ng warehouse matapos bumalik sa loob ng nasusunog na gusali upang balikan ang ilang mahahalagang dokumento.

Kinilala ang biktima na si Sherly Manalad 59 years old, residente ng Barangay Pag-ibig sa Nayon Quezon City.

Agad naman itong itinakbo sa Mary Mount Hospital, nagtamo ito ng second degree burn, at 90% naman ng katawan nito ang nasunog.

Nakaligtas ang mahigit dalawang daang empleyado matapos makalabas agad sa nasusunog na warehouse.

Dahil sa lakas ng apoy at kapal ng usok, nahihirapan ang mga bumbero na pasukin ang loob ng warehouse upang apulahin ang apoy.

Nasa anim na pung firetruck ang nagtulong tulong upang mabilis na maapula sunog.

Naideklara ng fire under control ang Bulacan Bureau of Fire Protection bandang alas dyis ng gabi.

Ayon kay Bulacan BFP Fire Superintendent Artemio Llena, sa ngayon hindi pa nila matukoy ang pinagmulan ng sunog.

Pag- aari ni Wilson at Lety Tan ang nasunog na warehouse, na naglalaman ng finish plastic products kabilang gaya ng iba’t ibang uri ng cabinet at higaan.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,