Babaeng nasugatan matapos batuhin sa ulo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 2107

BENEDICT_TMBB
Dumulog sa UNTV station ang isang babae na nagtamo ng sugat sa ulo matapos batuhin ng di nakikilalang suspek sa West Avenue Quezon City mag-aalas otso kagabi.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue ang pamamaga at sugat sa ulo ng biktima na kinilalang si Rhea Cabrera, 23 anyos residente ng Mandaluyong City.

Kinailangan ding imonitor ang vital signs ni Cabrera nang tumaas ang blood pressure nito dahil sa takot sa nangyari.

Pagkatapos mabigyan ng first aid ay dinala na sa East Avenue Medical Center ang biktima kasama ang kanyang kasintahan na dumating upang alalayan siya sa ospital.

Base sa kwento ni Cabrera papunta sana siya ng MRT North Station at pauwi na sa Mandaluyong ng isang lalaki na tila may diperensya sa pagiisip ang lumapit sa kanya, binato siya ng bato na tumama sa kanyang ulo.

Dalawang concerned citizen ang tumulong sa kanya at inilalayan siya papunta sa UNTV station upang mabigyan ang atensyong medikal.

Hindi na ipina-blotter ng biktima sa istasyon ng pulisya ang insidente at sinabing dodoblehin na lang ang pagiingat.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,