Paghahanda ng COMELEC sa eleksyon, tatalakayin sa Joint Congressional Oversight Committee ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 1657

BRYAN_SENATE
Inaasahang haharap sa Senado ang mga opisyal ng COMELEC at ilang non-government organizations kaugnay sa paghahanda sa nalalapit na May elections.

Pangungunahan ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System ang naturang pagdinig.

Si Senador Koko Pimentel ang chairman ng komite.

Tatalakayin ng komite kung ano ang update sa preparasyon ng COMELEC sa national at local elections.

Aalamin ang minimum system capabilities ng vote counting machines.

Bubusisiin din ang field testing sa transmission ng election results at plano para sa 100% transmission success rate.

Tatanuning din ng komite ang magiging proseso sa mismong araw ng halalan.

Kabilang dito ang pangkalahatang direktiba sa mga board of election inspector.

Asahang tatalakayin ng komite ang mga report sa biometrics data.

Nais ding makita ng komite ang status ng kabuuang bilang ng registered voters at mall voting initiative.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,