Nagsimula na ngayong lunes ang Adoption Consciousness Celebration ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Kaalinsabay ng selebrasyon ang pagbibigay ng impormasyon sa legal na proseso sa pag-aampon.
Ayon sa DSWD sa pamamagitan ng pagsunod sa mga legal na proseso ng pagaampon, masisigurong maibibigay sa mga ina-adopt nabata ang kanilang mga karapatan.
Kadalasan hindi na dumadaan sa legal na proseso ang mga nag-aampon ng bata dahil bukod sa mahaba ang panahong itinatagal nito ay magastos.
Ayon sa DSWD, sangayon ay pina-iklina ang proseso ng pag-aadopt at tumatagal na lamang ito ng isa at kalahating taon.
Dati tumataga lang proseso ng mahigit sa dalawang taon dahil na babalam ng matagal sa pag-aprub ng korte.
Wala na ring dapat na bayaran sa DSWD
Magbabayad lamang sa korte at accredited child caring agency ang mga mag-aampon.
Ang DSWD at dalawa pang accredited child caring agencies lamang ang pinapayagang magpaampon.
Ang mga ito ay ang kaisahang Buhay Foundation Inc At Norfil Foundation Inc
Bilang unang hakbang sa pag-aampon, maaring lumapit muna sa DSWD o alin man sa accredited child caring agency.
Kapag aprubado na ,saka ito dadalhin sa korte for approval.
Binigyang diin din ng DSWD na bawal ang simulation ng birth certificate ng mga batang inampon.
Base sa datos ng DSWD, bumaba sa nakalipas na tatlong taon ang bilang ng mga batang maaring ipaampon.
Ngunit sa mga nakalipas na taon mas marami parin ang mga foreigner kumpara sa mga pilipino na nag-aampon ng bata.
Kaya naman muling hinikayat ng DSWD ang mga pilipino na buksan ang pintuan at puso nila para sa mga bata na lumaking walang magulang.
(Darlene Basingan/UNTV News)
Tags: Adoption Consciousness Celebration, Department of Social Welfare and Development
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com