Kinokondena ng Cagayan de Oro Press Club ang umano’y direktiba ng mga organizer ng nakatakdang presidential debate sa ika-21 ng Pebrero na isasagawa sa Cagayan de Oro City, na hanggang 5 local editors at publishers at 5 newspaper reporters lamang ang maaring dumalo rito.
Hinaing ng mga local media sa pangungunang Cagayan de Oro Press Club na mahalaga ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng pulitikang Pilipinas at isang usaping nangangailangan ng malawak na pagbabalita.
Ang protestang ito ay suportado ng kamponi Mayor Duterte.
“We issued a statement supporting them on this issue because it is important that the debate being brought to the provinces precisely for the local media to cover these events but we just learned that GMA and Inquirer which is the sponsoring media organizations have nothing to do with this, it was the local KBP in Cagayan de Oro that set certain rules.” Pahayag ni PDP Laban Local Spokesperson Former Davao City Councilor Peter Lavina
Kumpirmado naman ang pagdalo ni Mayor Rodrigo Duterte sa darating na presidential debates.
Matatandaang bago maresolba ang mga kasong diskwalipikasyon laban sa kanya tahasang sinabi ng mayor na hindi sya dadalo habang nakabinbin ang mga kaso ng diskwalipikasyon.
(Joeie Domingo/UNTV News)