Pre-emptive action at political leadership sa Pilipinas, pinuri ng bagong pinuno ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction

by Radyo La Verdad | February 15, 2016 (Monday) | 1456

Robert-Glasser
Pinuri ng bagong pinuno ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction na si Robert Glasser ang pre-emptive action at political leadership ng Pilipinas, India, Malawi at Mexico.

Ayon kay Glasser, bumaba ang bilang ng mga nasawi sa bagyo sa rehiyon sa 923 casualties noong 2015 na mas mababa sa 10-year average na nine thousand five hundred twenty five.

Dagdag pa ng opisyal, malaki ang naitulong ng investement sa Disaster Preparedness at Risk Reduction upang bumaba ang bilang ng mga biktima ng kalamidad.

Isa na rito ang early warning systems gaya ng Climate Risk Early Warning System o CREWS.

Pinalitan ni Glasser si Margareta Wahlstrom.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,